Things that makes me smile

“Keep smiling, because life is a beautiful thing and there’s so much to smile about.” (Quote from Marilyn Monroe)

All of us have something (or someone) to smile about. Iba-iba nga lang. Pero minsan may kapareho din. Well, these are some things that makes me smile:

  1. Reminiscing my childhood memories.
  2. Looking at the bright blue sky.
  3. Looking at a rainbow.
  4. Reading young adult book.
  5. Hearing my favorite song.
  6. Yummy food.
  7. Looking at Sunrise and Sunset.
  8. Looking at full moon / moonlight.
  9. A hug from special someone/family member/relative or friend.
  10. Smelling or buying my favorite flower.
  11. Looking at or walking around a beautiful garden.
  12. Helping someone.
  13. Watching feel-good movie.
  14. Receiving happy mail.
  15. Playing with my pet (dog).
  16. Treat from someone.
  17. Riding a swing.
  18. Eating my favorite flavor of ice cream.
  19. Watching children play or playing with children.
  20. Finding money in my pocket or bag that I forgot about.
  21. Smile from a stranger.
  22. Mall sale.
  23. Summer. Warm season.
  24. A surprise gift.
  25. Getting a compliment.
  26. Long conversation with a friend.
  27. Walking around the park or village.
  28. Walking on the beach. Crashing waves and sea breeze.
  29. Vacation. Out of town trips.
  30. A stroll in the mall.

And there so much more. Nakalimutan ko lang. 🙂 😉

How about you? What makes you smile? What makes you happy?

Advertisements

Sky

I’m always fascinated with the sky.
The fluffy clouds like cotton candy.
Sunrise and Sunsets.
The bright blue sky.
So Precious.
It calms me.
It makes me smile.
It makes me happy.
It makes me wonder.
It makes me feel good.
It makes me appreciate life.
It makes me live in the moment.
It makes me appreciate the things around me.
Lastly, It makes me more Thankful and Grateful.

 

 

Kaibigan

Nalulumbay ako dahil aking naalala.

Isang matalik na kaibigan pumanaw na.




Ilang taon na nakaraan mula ng nangyari.

Ngunit nandito pa rin ang sakit at pangungulila.




Isang paalam na hindi inaasahan.

Isang paalam na hindi ko makakalimutan.




Madaming katanungan sa aking isip.

Ngunit wala naman mga kasagutan.




Kaibigan miss na miss na kita.




Alam ko masaya ka na ngayon.

Alam ko kapiling mo na ang diyos na maykapal.




Sana dumating ang araw na masabi ko sa sarili ko,

wala na yung sakit ng pagkawala mo.

Note to self

  • Stop comparing yourself with others. Hindi ka magiging masaya kung parati mo gagawin yan. Change your outlook on life. Think Positive.
  • Stop worrying about what others think of you. You cannot please everybody. Ignore them. Deadma lang. Huwag magpa-apektado sa kanila.  Just be yourself. Enjoy life.
  • Don’t be envious of other people. Nasa 10 commandments natin yan. You shall not covet anything that belongs to your neighbor.

Appreciate what you have.

  • You don’t need to be successful to be happy. Worldly success will not make you happy. May ibang taong successful pero hindi parin sila masaya. Bakit? Kasi they want more. More money, power, position and fame.
  • You don’t need a partner in life to be happy or feel secure. Hindi lahat ng taong may asawa, anak at pamilya ay masaya sa situation nila. Take good care of yourself.

Love yourself unconditionally.

  • Don’t be afraid to take risks. Try new things. Do something. Be adventurous. Go out your comfort zone.
  • Don’t put yourself down. Believe in yourself. Follow your passion. Be patient.

Work hard to be the best that you can be.

 

Lastly, Live in the moment. Be thankful and grateful. Always Pray whatever life throws at you. Huwag kang susuko and remember,

Happiness is a choice and it comes within ourselves.

Friendship over!

They say – Friendship is a relationship that can survive the test of time and remain unconditional. Pero paano kung hindi na healthy yung relationship ninyo ng friend mo? Paano kung lahat ng chance nabigay mo na? Paano kung one-sided friendship lang meron kayo? What if you have a Toxic Friendship? Naranasan mo na ba yon?
Here are the reasons (for me and some friends that I asked):
You feel bad about yourself kapag kasama mo siya. When you have physical flaws at madalas niya sabihin sa’yo ang mga yon to humiliate you around people.
Lagi niya nakikita ang pagkakamali mo or ng ibang tao sa paligid niya. Kapag sinabi mo nakaka offend siya ng feelings. Idadahilan niya nagbibiro lang siya at di niya sinasadya. Kahit nakikita na niya umiiyak na yung taong na-offend niya. Ayaw niya parin humingi ng Sorry.
She puts you down. Yung tipong hindi naniniwala sa’yo na nakabili ka ng isang bagay na gusto mo dahil expensive yung binili mo (for example: android cellphone) or nakapag travel abroad dahil sa hard work. Iniisip niya na may nagbigay or tumulong sa’yo na ibang tao kaya nagka pera ka at nagawa mo yon.
Trust Issue. If you tell her your problem/trials/secrets in life. Pero kinukwento niya rin pala sa ibang tao. Kahit na sabihin mo na asawa, kapatid or mutual friend pa yon. Hindi tama na mag kwento lalo’t sinabihan mo siya huwag sabihin sa iba.
Doubt everything you say and Lack of empathy. There are times when you tell her your family problem. Ipaparamdam niya sa’yo na hindi totoo kinukwento mo. Minsan sasabihin niya pa na totoo ba yan? Lahat tayo iba-iba ng pinagdadaanan sa buhay. Kaya kung hindi ka maka-relate sa kwento ng friend mo. Sana hindi ka nagsasalita ng ganon. Kasi di mo alam yung feeling na nandoon sa situation. Hindi ikaw ang  naka experience nun.
No Respect. Kapag kasama mo siya at ikaw ang nagkwe-kwento. Hindi siya nakikinig or full attention sa’yo. Hindi interested sa kinukwento mo. May ka text or may tinatawagan sa phone. Biglang aalis para magpunta sa rest room. Minsan bigla nalang tatawa ng malakas or magbibiro pero serious ang kinukwento mo. Pero kapag siya ang magkwe-kwento dapat full attention ka sa kanya.
User friendly. Ginagamit ka lang dahil sa pera. Mahilig umutang sa’yo at kung ano-ano idadahilan para pautangin mo. Pero di naman nagbabayad ng utang. Hihiram ng gamit na walang balikan.
Naaalala ka lang niya kung hihingi ng tulong. Don’t care to keep in touch. Kasi walang kailangan sa’yo.
Don’t value your time. Feeling niya siya lang ang busy sa buhay. Lagi nalang gusto niya… siya nasusunod sa schedule. Pero parati naman siya ang Late sa usapan. There are times na need pa reschedule yung lakad ninyo dahil may gagawin daw siya. Tapos malalaman mo wala naman palang urget na gagawin kundi tinatamad lang siya.
Minsan hihingi siya ng favor sa’yo na iadjust yung time mo. Kahit busy ka, you will adjust para matulungan siya. Pero ikaw parin naghihintay sa kanya. Nabalewala ang pag adjust mo ng time sa work dahil sa kanya. No text or call kung nasaan na siya. And she’s not answering your text and call as well.
No time for you and lack of support. Yung friend na gagawa ng time na makasama ka dahil may problem siya at need ng kausap. Bigla nalang darating sa bahay mo dahil may family problem siya. Tatawag or mag te-text sa’yo kapag may kailangan or favor…. Gusto niya parati ka nandiyan sa tabi niya. Pero kapag ikaw may kailangan sa kanya. Wala siya reply sa text or call mo. Deadma. Hindi ka madalaw sa bahay kahit may sakit ka. Madami siyang dahilan. Madami siyang excuses. Ignores you when you need her.
Pressure you to do things. Yung gusto niya na gawin mo isang bagay na ayaw mo naman gawin. Dahil para sa’yo hindi ito tama. (for example: smoking, stealing, trying drugs).
Gossip about you. Saying terrible things and lies. Yung sinisiraan ka sa ibang tao para maging malinis at mabango siya sa iba.
Probably yung ibang nasabi dito naranasan mo na. Hindi ko naman sinasabi sa’yo na end the friendship. Iba-iba naman kasi ugali natin dba? Meron iba laging pinagbibigyan at nagpapatawad ng paulit-ulit. Yung iba they tell the person politely ayaw na nila… para sa kanila hindi na balance. Red flag na kaya they end the friendship. And others just cut off contact with that friend – wala ng usap-usap… wala ng paalam. Well, nasa iyo parin ang decision.
Friendships change. Friendships end. Yes! sometimes friends drift apart. And they happily move-on with their life without that friend. Because they know may mahahanap parin silang iba.

Takot ako, eh!

Ayon sa Wikipedia, Necrophobia is a specific phobia which is the irrational fear of dead things (e.g. corpses) as well as things associated with death ( e.g. coffins, funerals tombstones and cemeteries).

Yes! Ganyan ako! Extreme yung takot ko na kahit mahal ko sa buhay or relative ko na namatay. Ayaw ko minsan tignan na nakahiga sa kabaong. At dahil sobra akong takot yung tipong dapat bukas ang ilaw sa room ko sa gabi kapag may namamatay. Yung tipong dapat may katabi ako sa pagtulog. At baka matawa ka dito dahil naririnig ko lang sa pamahiin. Magsuot ng pula para di dalawin or mapaginipan ang namatay. (actually, para sa mga bata yan.) Pero ginagawa ko din yan. Hahaha!

Ayaw ko na may namamatay kasi nalulungkot ako. Mabigat sa pakiramdam. Pero natatakot ako dahil baka magparamdam sila.

Natatakot ako tignan sila nakahiga sa kabaong kasi naiimagine ko kapag matutulog na ako at ipipikit ko na mata ko, naaalala ko itsura nila.

Natatakot ako hawakan ang mga bangkay. Kahit nga kabaong ayaw ko hawakan.

Kinikilabutan ako at grabe ang tibok ng puso ko kapag napunta ako sa mga burol sa patay. Hangga’t maaari nga di ako pupunta sa mga ganyan, kahit na relative, kaibigan or kakilala ko pa yung namatay. Iba ang feeling kasi . . . di ko ma explain. Pero kapag napunta ako sa ganyan at nagdadasal, kinakausap ko sila sa isipan ko na huwag sila magparamdam.

Horror and suspense movies minsan lang ako manood niyan. Dahil maaalala ko yan pag mag isa nalang ako at matutulog na.

Pinaka ayaw ko puntahan yung araw na ng libing. Dahil bubuksan na yung kabaong at huling paalam na sa kanya. Kailangan mo siya hawakan, halikan or magmano kung magulang or grandparents mo sila. Yon ang pinaka masakit at pinaka malungkot.

Pero alam mo ba bukod sa matatakutin, ako ay nakakaramdam din — eerie and creepy feeling. Dito nalang sa bahay namin. Sa kitchen area, madalas dun. Minsan makikita mo may shadow na nasa likod mo nakatayo or parang may dumaan kahit na mag-isa ka lang. Tapos biglang tumatayo balahibo mo. Parang nanlalamig at iba ang tibok ng puso mo. Kapag ganon na nangyari kinakausap ko sila sa isipan ko na umalis sila dahil natatakot ako.

Minsan nga sa hapon, siesta time. Makakarinig ako ng footsteps na parang may pumasok sa room ko kahit na wala akong kasama sa bahay that time.

Elementary days, nung nag start ako makaramdam ng ganyan nung namatay yung Aunt ko. Bigla nalang ako may naamoy na bulaklak. Wala naman bulaklak sa loob ng bahay namin or sa labas ng bahay. Di ko pa nga pinapansin that time yung naaamoy ko. Then nung pumunta kami sa funeral home. Naamoy ko ulit. Bulaklak pala ng patay yung naaamoy ko. Bigla ako natakot at kinabahan. Hanggang 40 days ng pagkamatay niya, naaamoy ko yon. Pero pasulpot sulpot lang. Pero tuwing naaamoy ko yon. Kinikilabutan na ako. Hindi naman ako ganon ka close sa Aunt ko. Pero nag uusap kami nung buhay pa siya. Kaya nagtataka ako bakit nagpaparamdam siya sa akin.

Isa pa nakakita narin ako ng multo. Kaluluwa ng kapatid ko. Naglalakad siya nakatalikod. Pero split second lang. Bago siya mag 40 days nung nakita ko siya. Isang beses palang naman yon nangyari na nakakita ako ng kaluluwa. Pero siyempre grabe ang tibok ng puso ko parang sasabog.

Just to let you know, hindi ako takot mamatay. Pero di pa ako ready mamatay. Dahil madami pa ko gusto gawin sa buhay. Pero may kasabihan tayo na – when it’s your time, it’s your time. So wala tayong magagawa dun.

Sa aking pananaw, kaya extreme ang takot ko dahil narin sa nakakaramdam ako. Pero pinagdadasal ko naman sila. Kahit nga mga ligaw na kaluluwa pinagdadasal ko. Sadyang matatakutin lang ako. Pwedeng sabihin ninyo nasa isip ko lang yon at tinatakot ko lang sarili ko. Maaaring tama kayo. Pero ewan ko ba basta mga ganyan ang topic or pag may namamatay. Nalulungkot ako at natatakot. Minsan pa nga mas lamang ang takot kesa sa lungkot. Ayaw ko ang mga ganyan feeling. Pero talagang mangyayari  yun sa atin lahat.

 

Hey Daydreamer

Everyday . . . I always Daydream. Parang habit ko na gawin yon.

dreamWhile I’m working I daydream kaya minsan I forgot to do my tasks (maybe two to three minutes that my mind is wandering).

Kahit nasa loob ako ng Church. During the homily at walang energy magsalita si Father. I daydream. (sorry! that’s bad. wag ako gayahin).

While watching T.V., I daydream. Lalo na kapag nakakakilig yung teleserye or kapag funny scenes. Yung tipong nakaka-relate ka sa pinapanood mo. Pero I do that kapag commercial na. 😀

Sometimes, kapag nasa mall ako, sa loob ng store or shop at may nakita ako gusto ko pero I can’t buy it yet. Because kulang sa budget. I daydream. Iniisip ko na nabili ko na yung bagay na yon at ginagamit ko na or naka display na sa room ko. Hahaha! (weird ba?)

And when I’m sad, depress, mad or disappointed sa mga nangyayari sa buhay ko or sa paligid ko… I daydream para makalimutan ko yung bad vibes na yon. And it helps sometimes na mawala yung bad feeling.

I know… madalas talaga ako mag daydream. I’m a huge daydreamer! Pero ang iniisip ko – Good things. Positive things that will happen. Pero minsan di ko rin maiwasan mag isip ng di maganda lalo’t may kinaiinisan ako. (sorry! bad yon… tao lang… nagpapakatotoo lang).

Yes, I am aware of what I’m doing. I mean, alam ko na madalas ako mag daydream. Kaya I try to distract myself sa ibang bagay or activity. Then I tell myself. Okay G! go back to the real world.

 

 

This is 40!

Sabi nila Life begins at 40. Middle Age. Dapat this time may asawa at anak na . . . may family ng sarili. Madaming ipon. Successful na sa buhay.
Pero ako I’m still Single. Walang Boyfriend. Walang Anak. Walang masyadong ipon sa bank. Hindi successful sa career at love life. What!!! OMG!
Sa totoo lang, di ko alam ang gagawin. Parang go with a flow ang peg ko. Maybe yung iba matatawa, magagalit, maiirita sa akin. Maybe yung iba sasabihin – Loser! Dahil 40 na ako tapos ganito parin. Hay naku!
Pero I’m happy with my life. I’m happy but not contented. Magulo ba? Hahaha! Kasi may gusto pa akong gawin. Madami pa akong gustong mangyari at gawin sa buhay ko. I’m trying to be a Positive Thinker. Before worrier talaga ako. At negative thinker. Pero nabago ko naman kahit papaano. 🙂
So ano ba ginagawa ko sa buhay? I’m working. Meron stable income. Pero I’m not a breadwinner. May sarili pera mother ko. Di siya umaasa sa akin. Ako pa nga nakikitira sa bahay ng parents ko. Pero hindi ako nakaka ipon dahil narin sa mahilig bumili ng kung ano-ano bagay na di naman mahalaga. I know, bad yon! Dapat nag- iipon ako, dba? Kesa bumili ng walang kwentang bagay.
Baka isipin ninyo na wala ako ambition or goals sa buhay. Meron. Pangarap ko magkaron ng sarili ko pamilya at magkaron ng isang negosyo. Pangarap ko magkaron ng sarili ko bahay at sasakyan. Pangarap ko magkaron ng madaming pera sa bank. Pangarap ko makatulong sa ibang tao. Nagagawa ko naman yon pero di lang nga madalas. Pangarap ko mag Travel around the world. Pangarap ko maging successful tulad ninyo.
Magiging successful din ako. Tiwala lang sa sarili. Ayon ang kulang ko. Kulang ako ng tiwala sa sarili. Pero ginagawan ko na ng paraan.
Kaya heto ngayon. Nag-isip magsulat online. Maging blogger (kuno). 😉
Pero bakit ako magsusulat? Di naman ako writer. Di ko din hilig magsulat. Well, I just want na madagdagan ang tiwala ko sa sarili. Kahit na may possibility na may mag criticize sa akin. Di naman mawawala yon sa buhay. And I just want to try new things. Sana magawa ko ng tuloy tuloy. Sana magampanan ko.
Just believe!
40