Sabi nila Life begins at 40. Middle Age. Dapat this time may asawa at anak na . . . may family ng sarili. Madaming ipon. Successful na sa buhay.
Pero ako Iā€™m still Single. Walang Boyfriend. Walang Anak. Walang masyadong ipon sa bank. Hindi successful sa career at love life. What!!! OMG!
Sa totoo lang, di ko alam ang gagawin. Parang go with a flow ang peg ko. Maybe yung iba matatawa, magagalit, maiirita sa akin. Maybe yung iba sasabihin – Loser! Dahil 40 na ako tapos ganito parin. Hay naku!
Pero I’m happy with my life. I’m happy but not contented. Magulo ba? Hahaha! Kasi may gusto pa akong gawin. Madami pa akong gustong mangyari at gawin sa buhay ko. Iā€™m trying to be a Positive Thinker. Before worrier talaga ako. At negative thinker. Pero nabago ko naman kahit papaano. šŸ™‚
So ano ba ginagawa ko sa buhay? I’m working. Meron stable income. Pero I’m not a breadwinner. May sarili pera mother ko. Di siya umaasa sa akin. Ako pa nga nakikitira sa bahay ng parents ko. Pero hindi ako nakaka ipon dahil narin sa mahilig bumili ng kung ano-ano bagay na di naman mahalaga. I know, bad yon! Dapat nag- iipon ako, dba? Kesa bumili ng walang kwentang bagay.
Baka isipin ninyo na wala ako ambition or goals sa buhay. Meron. Pangarap ko magkaron ng sarili ko pamilya at magkaron ng isang negosyo. Pangarap ko magkaron ng sarili ko bahay at sasakyan. Pangarap ko magkaron ng madaming pera sa bank. Pangarap ko makatulong sa ibang tao. Nagagawa ko naman yon pero di lang nga madalas. Pangarap ko mag Travel around the world. Pangarap ko maging successful tulad ninyo.
Magiging successful din ako. Tiwala lang sa sarili. Ayon ang kulang ko. Kulang ako ng tiwala sa sarili. Pero ginagawan ko na ng paraan.
Kaya heto ngayon. Nag-isip magsulat online. Maging blogger (kuno). šŸ˜‰
Pero bakit ako magsusulat? Di naman ako writer. Di ko din hilig magsulat. Well, I just want na madagdagan ang tiwala ko sa sarili. Kahit na may possibility na may mag criticize sa akin. Di naman mawawala yon sa buhay. And I just want to try new things. Sana magawa ko ng tuloy tuloy. Sana magampanan ko.
Just believe!
40
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s